DAGUPAN CITY- Patuloy ang pagtutok ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office-Lingayen sa iba’t ibang lugar sa bayan ng Lingayen habang palabas ang bagyong Carina sa Philippine Area of Responsibility.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Kimpee Cruz, Asisstant Officer ng naturang ahensya, nagsagawa na ila ng pre-disaster assesment bago pa lumakas ang pag-ulan dulot ng bagyo.

Sa kasalukuyan, patuloy ang kanilang pagmomonitor sa panahon at sa bahaing lugar kabilang na ang Barangay Maniboc, Poblacion Libsong East-West at Durungan, dahil sa patuloy pa malakas na pag-ulan.

--Ads--

Kaugnay nito, nagkapalikas na din sila sa mga high-risk areas partikular na sa Barangay Pisan North at Sitio Aplaya kung saan umabot na sa beywang ang lebel ng tubig-baha.

Aniya, isang pamilya nailikas sa Sitio Aplaya at gayundin sa evacuation center ng Central Lingayen.

Nagsasagawa na din ng occular inspection ang alkalde ng Lingayen sa bawat barangay.

Kanilang binabantayan din ang Agno River dahil maaari itong umapaw dulot ng pagsalo nito sa mha katubigan mula sa karatig munisipalidad.

Maliban diyan, tumataas na din ang lebel ng tubig dulot na din ng high tide.

Samantala, mataas na din ang lebel ng baha sa ilang kakalsadahan kabilang ang Castillo Street, Barangay Maniboc patungong Barangay Pisan North. Alanganin na umanong makadaan pa ang mga light vehicles sa mga nasabing daan.

Ayon kay Cruz, agad din nakipag ugnayan ang kanilang alkalde sa iba’t ibang ahensya naing itinaas sa red alert status ang kanilang bayan.

Pinatututukan din agad ang mga high-risk areas upang maiwasan ang anumang hindi inaasahan.

Para naman sa nangangailangan ng tulong, maaari aniyang tumawag sa kanilang numero na 09190992230.

Sa kabilang dako, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Josephine Disierto, Presidente ng Association of Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Office/MDRRMO Basista, nasisilayan na umano nila ang sikat ng araw at unti-unti na din gumaganda ang panahon sa kanilang bayan.

Gayunpaman, wala din binaha sa kanilang nasasakupan matapos ang pag-uulan dulot ng Bagyong Carina at naging kontrolado ang kanilang sitwasyon.

Hindi naman kase aniya bahain ang kanilang bayan, maliban na lamang kung magbuhos ng katubigan ang dam na malapit sakanila.