Dagupan City – Nanguna ang Local Council for the Protection of Children (LCPC) ng Asingan upang magsagawa ng special meeting para pag-usapan ang pagpapatibay ng kaligtasan ng mga kabataan sa bayan.
Kasama dito ang mga kinatawan ng iba’t ibang sektor ng komunidad, at mga opisyal ng lokal na pamahalaan.
Pangunahing tinalakay sa pagpupulong ang 2024 Functionality Finding na naglalaman ng pagsusuri sa kasalukuyang kalagayan ng proteksyon ng mga bata.
Kabilang dito ang pagsusuri sa mga kaso ng child abuse, child labor, at iba pang mga isyu na nakakaapekto sa kabataan.
Batay sa mga natuklasan, bumuo ang LCPC ng mga estratehiya at programa upang matugunan ang mga problemang ito.
Layunin ng pulong na ito na masiguro ang isang ligtas at maayos na komunidad para sa mga kabataan at maprotektahan ang kanilang karapatan.
Nanawagan naman sila sa komunidad na makipagtulungan upang mapanatili ang ligtas at mapayapang kapaligiran para sa mga kabataan.