BOMBO DAGUPAN – Ibinahagi ng isang local artist mula sa bayan ng Bayambang, Pangasinan kung paano siya nagsimula sa nasabing larangan.
Ayon kay Oscar Ora, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa kanya noong bata pa siya ay gawain na niyang gaya gayahin ang boses ng mga dramatista.
Napasok siyang dramatista noong mag OJT siya sa himpilan ng bombo radyo at napabilang sa mga drama talents ng himpilan.
Maaala niya , unang papel niya ay naging ekstra siya sa isang drama.
Aniya, para maging epektibong local artist o may ari ng boses sa likod ng mga naririnig na drama sa Radyo ay kinakailangan na isabuhay ang character na binigay sa kanya.
Sa ngayon ay nagpapatuloy siya sa kanyang gawain bilang voice actor kung saan iba iba ang kanyang boses hanggang sa pinanindigan na niyang maging artista sa radyo.
Bukod sa pagsusulat ng drama ay isa rin itong composer, instrumentalist, at singer.