May kasalanan ang mga dating pangulo — ito ang ibinahagi ni Fernando Hicap Chairman, Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) kaugnay sa mas tumitinding pambubully ng China sa ating mga mangingisda at mga tripulante sa West Philippine Sea.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan sinabi nito na simula ng maitayo ang mga artificial islands ng China ay mas lalong lumakas ang kanilang presensiya sa ating nasasakupang karagatan.

Dagdag pa rito ang pagtatanggol ni dating Pangulong Duterte noong kanyang administrasyon dahilan upang ang china ay magpatuloy sa ilegal na pagpapatupad ng mga patakaran.

--Ads--

Aniya na ito ay isang pagtatraydor sa mga mamamayang pilipino lalo na sa ating mga mangingisda.

Samantala, nang magsimula ang arrest order ng China na paghuli sa mga “trespassers” sa kanilang nasasakupang karagatan at ilang bsa ilang lugar sa West Philippine Sea ay nagdulot ito ng takot at pangamba sa ating mga mangingisda subalit dahil ito ang kanilang kabuhayan ay group by group na pangingisda ang kanilang isinasagawa kung saan hindi naghihiwalay-hiwalay ang ating mga mangingisda upang sakaling may huliin man ang China ay mayroong saksi sa pangyayari.

Kaugnay nito ay nanawagan naman siya sa ating mga mangingisda na agad na magpaabot ng impormasyon para magawan ng aksyon ang anumang karahasan ng nasabing bansa.

Naninindigan naman siya na ipagtatanggol natin ang ating teritoryo sa diplomatiko at mapayapang paraan upang hindi lumala ang isyu at magpatuloy ang karapatan ng ating mga mangingisda at mga mamamayan.