Layunin ng bagong halal na League of Municipalities of the Philippines (LMP) – Pangasinan Chapter na isulong ang benchmarking sa bawat Local Government Unit (LGU) sa lalawigan upang mas mapaigting ang turismo at pagpapaunlad ng mga lokal na produkto.

Si Manaoag Mayor Jeremy “Doc Ming” Rosario ay nahalal bilang unopposed na pangulo ng LMP-Pangasinan sa ginanap na Assembly and Election sa Monarch Hotel, Calasiao. Dumalo sa nasabing pagtitipon ang 33 mula sa 44 na municipal mayors ng Pangasinan, kasama ang gobernador at iba pang opisyal ng gobyerno.

Bago ang kanyang pagkakahalal, si Mayor Rosario ay nanungkulan bilang interim President ng LMP-Pangasinan mula Nobyembre 2024, matapos magbitiw sa pwesto si dating Lingayen Mayor Leopoldo N. Bataoil.

--Ads--

Narito ang kumpletong listahan ng mga nahalal na opisyal ng LMP-Pangasinan:
– President: Mayor Jeremy “Doc Ming” Rosario (Manaoag)
– Vice President (VP) Internal Affairs: Mayor William S. Cezar (Rosales)
– VP for External Affairs: Mayor Dickerson D. Villar (Sto. Tomas)
– VP for Operations: Mayor Rizaldy J. Bernal (Dasol)
– VP for Special Concerns: Mayor William K. Dy (Bugallon)
– Secretary-General: Mayor Bona Fe DV. Parayno (Mangaldan)
– Treasurer: Mayor Karl Christian F. Vega (Mapandan)
– Auditor: Mayor Alfe M. Soriano (Malasiqui)
– PRO: Mayor Modesto M. Operaña (Urbiztondo)

Board of Directors:
– 1st District: Mayor Colin Reyes (Mabini)
– 2nd District: Mayor Jolly R. Resuello (Basista)
– 3rd District: Mayor Carlito S. Zaplan (Sta. Barbara)
– 4th District: Mayor Marlyn E. Agbayani (San Fabian)
– 5th District: Mayor Ricardo D. Balderas (Laoac)
– 6th District: Mayor Carlos Lopez Jr. (Asingan)

Ayon kay Mayor Rosario, layunin ng benchmarking na matukoy ang mga best practices ng bawat LGU na maaaring gayahin at i-adapt sa iba’t ibang bayan. Sa pamamagitan nito, mas makikita ang mga positibong hakbang na ginagawa ng bawat LGU sa pagpapaunlad ng turismo at produkto.

Inaasahan din niya na sa pamamagitan ng benchmarking, mas makikilala hindi lamang ang mga sikat na destinasyon sa Pangasinan, kundi pati na rin ang mga natatanging produkto ng bawat bayan.

Binanggit din ni Mayor Rosario na maaaring maging lugar ng kalakalan ang Manaoag, bilang isa sa mga sentro ng turismo sa lalawigan. Sa pamamagitan ng isang Pasalubong Center, maaaring maipromote ang mga ipinagmamalaki ng bawat LGU sa Pangasinan.

Samantala, sa pamamagitan ng pagsasama-sama at pagkakaisa ng bawat alkalde sa lalawigan ay sabay sabay na magtatagumpay ang mga ito na makakatulong sa kanilang nasasakupan at lalo’t higit sa lalawigan.