Kinilala ang mga kabataan at organisasyon mula sa Lingayen sa 2026 Provincial Linggo ng Kabataan na ginanap sa Sison Auditorium sa bayan ng Lingayen, Pangasinan, na may temang “Different Context, Common Aspirations.” Nanguna bilang Outstanding Youth of Pangasinan si Van Macley Moulic, habang kinilala naman bilang Outstanding Organization of Pangasinan ang Young Environmental Advocates of Lingayen na pinamumunuan ni Katrina Paula Sison. Naging bahagi rin ng programa si Lingayen Local Youth Development Officer John Mark Mangapot, na dating kinilala bilang Outstanding LYDO noong 2025.
Nagsilbi siyang panelist sa paghahanap ng Outstanding Sangguniang Kabataan at Outstanding LYDO para sa 2026. Binigyang-pagkilala rin sa culminating activity ang mga Lingayense na nanguna sa kanilang mga licensure examination. Kabilang dito sina Chona Dela Cruz na Top 9 sa March 2026 Teacher Licensure Examination, Angeline L. Soriano na Top 7 sa Medical Technologist Licensure Examination, at Ricardo G. Ocbo II na Top 6 sa July 2026 Real Estate Appraiser Licensure Examination.
Tampok din sa programa ang mga pagtatanghal ng kabataan, kabilang ang paglahok ni Jerson Bernardino bilang kinatawan ng Pangasinan sa The Voice: Youth Edition. Naghandog naman ng opening doxology at intermission number ang Parish Youth Ministry of Epiphany of Our Lord Co-Cathedral Parish, na itinanghal na grand champion sa Youth Got Talent 2024.
Layunin ng Provincial Linggo ng Kabataan na kilalanin ang mga ambag at tagumpay ng mga in-school, out-of-school at working youth sa buong Pangasinan, gayundin ang mga organisasyon at youth leaders na aktibong nakikilahok sa mga programa para sa kabataan.










