Dagupan City – Nilinaw ni Lingayen Vice Mayor Dexter Malicdem na wala itong kinalaman sa napaulat na pagbabawas mula sa kaniyang opisina na tulong pinansyal para sa Department of Social Welfare Development Beneficiaries.

Sa katunayan aniya, nasa Iloilo ito sa mga panahong iyun kung kaya’t laking gulat na lamang niya nang maugnay ang pangalan nito sa nasabing issue.

Kung kaya’t nang mabalitaan umano ito ay kaagad din aniyang tinawagan ang mga opisyal sa kaniyang opisina at sinabing ibigay ang tulong na dapat ay para sa mga benepisyaryo.

--Ads--

Pagbahahagi pa nito, humingi rin ng tawad ang kaniyang staff sa pagkakamali at pinmagpaliwanag niya ito. Hindi kasi aniya ugali na basta-basta na lamang manghusga ng mga ito ng hindi nalalaman ang dahilan.

Ipinaabot naman nito ang kaniyang mensahe kay Councilor JM Crisostomo matapos na nakatanggap ng reklamo ang konsehal mula sa mga benepisyaryo kung saan binabawasan ng mga staff ang P4,000 ang P5,000 tulong pinansyal na kanilang natanggap noong Agosto 12-13.

Ayon kay Malicdem, matuto dapat na lumugar at rumespeto ang konsehal, at huwag agad-agad humusga.
Dagdag pa nito, masakit para sa bise alkalde na madidiin ang kaniyang pangalan sa kasalanang hindi naman niya ginawa.

Bagama’t may nangyaring ganitong issue, ipinaabot naman nito ang kaniyang pasasalamat sa mga patuloy na sumusuporta sa kaniya.

Samantala, humingi naman ng tawad si Junar Casaclang, Staff ng Office of the Vice Mayor sa mga nagpayout sa nagawang pagkakamali, at handa niya itong itama, sa katunayan aniya ay naibalik din agad sa mga benfiaries ang tulong pinansyal na dapat nilang matanggap.

Matatandaan na napaulat kamakailan ang reklamo mula sa mga beneficiares na dapat ay tatanggap ng P4,000 ngunit naging P1,000 lamang umano ang kanilang matatanggap.