DAGUPAN CITY- Patuloy na nagpapatupad ng pinaigting na police presence at traffic management ang Lingayen Police Station upang masiguro ang kaayusan ng daloy ng trapiko at kaligtasan ng publiko sa iba’t ibang bahagi ng bayan.
Sa pangunguna ni PLTCOL Junmar C. Gonzales, Chief of Police ng Lingayen, aktibong nakakalat ang mga police patroller sa mga pangunahing lansangan at school zones sa buong munisipalidad.
Layunin ng hakbang na ito na mabawasan ang matinding pagsisikip ng trapiko, lalo na sa oras ng pasukan at uwian, sa pamamagitan ng pagtulong sa mga motorista at pedestrian.
Bukod sa traffic management, mahalaga rin ang mataas na presensya ng pulisya bilang bahagi ng crime prevention strategy upang mapigilan ang anumang uri ng ilegal na gawain.
Sa pamamagitan ng pagiging visible ng mga pulis sa lansangan, mas napapalakas ang pakiramdam ng seguridad ng mamamayan.
Handa rin ang mga tauhan ng Lingayen PNP na magbigay ng agarang tulong sa sinumang nangangailangan ng assistance sa kalsada, kabilang ang mga nasiraan ng sasakyan at mga pedestrian na nangangailangan ng gabay.
Patuloy namang nananawagan ang Lingayen PNP sa publiko, lalo na sa mga motorista, na sumunod sa mga umiiral na batas trapiko at igalang ang mga personnel na naka-duty upang mapanatili ang maayos, ligtas, at maunlad na bayan ng Lingayen.










