(Photo courtesy of Mayor Leopoldo Bataoil’s Facebook page)

DAGUPAN CITY — Ligtas mula sa nakamamatay na coronavirus disease-2019 (COVID-19) si Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil, matapos na isa rin ito sa nakasalamuha ng Filipina-Australian na nagpositibo sa naturang sakit.

       Ito ang nabatid sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan sa Alkalde kung saan kinumpirma nito na sumailalim ito sa self-quarrantine dahil nagsilbi din aniya itong panauhing pandangal sa reunion na dinaluhan ng Australian na nagpositibo sa COVID-19.

       Aminado ito na ginawa niya ang naturang hakbang upang mapawi narin ang pangamba ng kaniyang nasasakupan itoy kahit pa sa incubation period simula ng malantad ito sa COVID Positive patient ay wala naman itong naramdamang anumang sintomas.

--Ads--

       Nabatid na bukod sa self-quarrantine minabuti nitong magpasuri narin ng kanilang blood samples na ipinadala sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) kung saan negatibo ang naging resulta.   

Bahagi ng panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil

       Samantala, hinikayat naman ng Alkalde ang publiko na iwasang magpanic at magpakalat ng mga fake news o pekeng balita kasunod narin ng pag-amin nito na magig siya ay nabiktima narin nito dahil mayroon umanong mga fake news na kumalat na ito ay namatay dahil sa COVID-19. 

Bahagi ng panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil

       Bago maging Alkalde ngayon ng bayan,  nagsilbi ito bilang 2nd district Representative sa loob ng tatlong termino. Bukod dito nagsilbi din siya bilang retired police officer at ilang beses ding naging  spokesperson ng Philippine National Police (PNP).