Dagupan City – Naghanda ang Pamahalaang Bayan ng Lingayen ng serye ng mga aktibidad ngayong Setyembre bilang bahagi ng pagdiriwang ng 126th Philippine Civil Service Anniversary.

Kabilang sa mga nakatakdang aktibidad ang Standard First Aid at Basic Life Support Training para sa Public Office Safety Officers o POSO sa Setyembre 7 at 8.

Sa Setyembre 8 naman isasagawa ang Thanksgiving Mass, outreach activity, at CHRMP Family Day and Fellowship, habang nakatakda sa Setyembre 9 at 10 ang re-orientation at skills update training-workshop para sa GAD Focal Points System Technical Working Group.

--Ads--

Kasama rin sa kalendaryo ng mga aktibidad ang Lingkod Bayani Run 2026 sa Setyembre 13 at CSC Zumba and Pasasalamat sa Setyembre 18.

Samantala, tampok naman sa Lingayen Employees Appreciation Day o LEAD sa Setyembre 28 ang bloodletting activity, libreng medical check-up, raffle, food carts at iba pang aktibidad para sa mga kawani ng pamahalaang bayan.

Layunin ng mga aktibidad na kilalanin ang dedikasyon ng mga lingkod-bayan at isulong ang pagpapahalaga sa serbisyo publiko, integridad at kahusayan sa kanilang tungkulin.