Muling sinariwa ni Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil ang personal nitong karanasan noon kay dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, inilarawan ni Bataoil na walang sinayang si Noynoy na panahon sa paglilikod at hindi din matatawaran ang naging dedikasyon nito bilang Pangulo ng bansa.
Inalala din ni Bataoil ang naging magandang pakikipagsalamuha nila noon ni dating Gov. Amado Espino Jr. sa pagbisita ni PNoy para sa inagurasyon noon ng irigation system sa bahagi ng Eastern Pangasinan.
Pagbabalik-tanaw pa ni Bataoil na noong Congressman pa ito sa panahon ng Aquino Adminstration, wala itong naranasan na pagkakakumpromiso din ng mga isinulong na proyekto dahil lamang sa kulay sa pulitika.
Si Aquino na ika-15 Pangulo ng bansa at nagsilbi sa nasabing posisyon mula 2010 hanggang 2016, ay namatay noong Huwebes, Hunyo 24 dahil sa Renal diseas secondary to diabetes sa edad na 61.