BOMBO DAGUPAN – Agad na nagpatawag ng consultative assembly ang Local na Pamahalaan ng Lingayen kaugnay sa mataas at nangungunang bayan na nasa dengue watchlist ng Pangasinan Health Office o PHO.
Ayon kay Mayor Leopoldo Bataoil ng bayan ng Lingayen, nakakabahala na ang naitatalang kaso ng dengue kung kaya’t pinag usapan ang epektibong solusyon laban dito.
Aniya, patuloy ang pag-iikot ng kanilang mga health officers sa 32 na barangay sa kanilang bayan upang makita ang mga hakbang na kailangan pang gawin.
Dagdag pa ng Alkalde, bagamat nakakaalarma at nagbibigay alalahanin sa publiko, nagresulta naman ng maganda consultative dialogues para mga mungkahi at proposals kontra dengue.
Binigyang diin pa nito, dahil mahal ang fogging machine, maaari naman aniya gumamit ng indigenous material gaya ng salt water bilang disinfectant sa mga breeding places ng lamok.
Matatandaan na sa talaan ng Pangasinan PHO, nangunguna ang LGU Lingayen sa may pinakamataas na kaso ng dengue na nasa 340 cases mula Enero-Aug. 19, 2024 kumpara sa 47 noong 2023 habang may 5 kaso na rin ang namatay.
Sa kasalukuyan ay patuloy naman ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga barangay officials, municipal health officers at provincial health officers sa paglilinis at pagpuksa sa dengue mosquito.