BOMBO DAGUPAN – Hinihikayat ang publiko ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na makiisa sa gagawing rosary fluvial procession mula sa barangay Cato, Infanta sa darating na July 16, 2024.

Pagkatapos ng misa ganap na ala sais ng umaga ay isasagawa rin ang pagrorosaryo kung saan bawat bangka ay magdadala ng imahe ng Our Lady of Holy Rosary.

Sa kanyang inilabas na circular, iniimbita rin ng arsobispo ang mga pari at debotong katoliko na makiisa sa fluvial rosary procession.

--Ads--

Hinimok niya ang mamamayan na ipagdasal ang china at Pilipinas para makamit ang kapayapaan.

Nauna rito ay nanawagan si Villegas ng mga Katoliko na magdasal ng Rosaryo dahil sa agresibong hakbang ng China sa West Philippine Sea.

Ikinabahala niya ang ginagawang agresibong hakbang ng China na nakakaapekto sa pamumuhay ng mga manginigisda at pagkasira ng karagatan.