Tumama ang isang lindol sa California sa bahagi ng tinatawag ng mga eksperto na “pinakamapanganib na fault line” ng Amerika.

Ayon sa US Geological Survey (USGS), naitala ang lindol na may lakas na 3.1 magnitude dakong alas-12:30 ng tanghali eastern time sa kahabaan ng Hayward Fault, na dumaraan sa East Bay.

Mahigit 1,500 residente ang nagreport na naramdaman nila ang pagyanig, at patuloy pang nadaragdagan ang bilang na ito.

--Ads--

Naitala ang pagyanig sa Berkeley, San Francisco, Santa Rosa, Concord, at Hayward.

Itinuturing ang Hayward Fault bilang pinaka-mapanganib sa buong Estados Unidos dahil dumaraan ito sa ilalim ng mga mataong lugar at may kakayahang magdulot ng isang malakas at matagal nang inaasahang lindol.

Bagama’t nakararanas ito ng tinatawag na “creeping” o mabagal na paggalaw ng lupa, hindi pa ito nagkaroon ng malakas na pagbitak mula pa noong 1868.

Ipinapakita ng mga pag-aaral na ang malalakas na lindol sa fault na ito ay karaniwang nangyayari tuwing humigit-kumulang 140 taon.