DAGUPAN CITY- Tumanggap ang nasa Tatlumpu’t tatlong (33) mga batang may kapansanan sa bayan ng Asingan ng financial assistance sa pinagsamang pagsisikap ng lokal na pamahalaan at ng Stimulation and Therapeutic Activity Center (STAC).

Pinangunahan ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ng alkalde at Municipal Social Welfare and Development (MSWD) ang pagbibigay ng tig-limang libong piso (P5,000) sa bawat isa.

Nagmula sa bayan ang pondong ginamit dito na magsisilbing allowance ng mga bata sa kanilang transportasyon at iba pang bagay na kanilang magagamit.

--Ads--

Sa kabuuan nasa 35 batang may kapansanan ang nasa ilalim ng pangangalaga ng STAC sa bayan na kanilang binibigyan ng prayoridad.

Ang STAC, sa patnubay ng MSWD, ay patuloy na nagbibigay ng mga therapeutic activities at suporta sa mga batang may kapansanan.

Ipinahayag naman ng alkalde ang patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa mga batang ito at sa kanilang mga pamilya.

Layunin ng programa na makatulong sa mga bata na ma-access ang mga serbisyo at oportunidad na kailangan nila para sa kanilang pag-unlad.