BOMBO DAGUPAN – Timbog ang limang katao sa isinagawang drug buybust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency PDEA-Pangasinan sa lungsod ng Dagupan.
Ayon kay Retchie Camacho Provincial Officer, PDEA Pangasinan na isinasagawa ng suspek ang pagbebenta ng ilegal na droga sa isang paupahan at karamihan sa kaniyang mga parokyano o customers ay galing pa sa iba’t ibang bayan dito sa lalawigan.
Kaugnay nito ay wala itong naging customer malapit sa downtown sa lungsod dahilan kung bakit hindi napapansin ang ilegal na ginagawa.
Ani Camacho na sa tulong ng isang confidential informant ay ipinagbigay alam nito sakanila na mayroong sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga sa nasabing paupahan sa lungsod at sa kanilang pagmamanman ay doon nakita na labas masok ang mga customers dito.
Bagamat ay ongoing parin ang pagsasagawa ng imbestigasyon patungkol dito kaya’t minabuti ni Camacho na hindi muna pangalanan ang mga suspek.
Sa kasalukuyan ay inaalam pa kung gaano na katagal ang nasabing bentahan at kung sino-sino pa ang mga sangkot dito.
Samantala, kaugnay naman sa sitwasyon ng ilegal na droga sa lalawigan aniya ay nasa 1,184 na ang drug cleared barangays at mayroon na ding 14 balay silangan sa kabuuan dito sa lalawigan.
Nananawagan naman ito sa lahat na ang laban kontra ilegal na droga ay hindi lamang laban ng PDEA at PNP kundi laban ito ng lahat.
Dagdag pa niya na dapat lahat din ay may pakialam upang tuluyan ng matuldukan ang problema patungkol dito.