Umakyat sa limang kaso ng pagkalunod ang beneberipika ng tanggapan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Pangasinan kasabay ng obserbasyon ng Semana Santa.

Sa exclusive interview ng Bombo Radayo Dagupan, iniahayag ni PDRRMO Spokesperson Avenix Arenas, na ang mga insidenteng ito ay naitala sa mga bayan ng Dasol, Mangatarem, Bautista at dalawa mula sa lungsod ng Dagupan.

Sa ngayon aniya ay hinihintay parin nila ang official report mula sa kanilang counterpart sa mga naturang bayan upang pormal na maitala ang mga insidente sa kanilang datos.

--Ads--

Samantala, kinumpirma naman ng opisyal na bukod sa naturang mga drowning incident ay nakapagtala parin sila ng mga insidente ng muntikang pagkalunod kung saan ang ilan sa mga dahilan nito ay katigasan ng ulo na pinipilit na lumangoy kahit lasing bagamat kanila naman itong natugunan at naiwasan .