Nakapagtala ng 522 bilang ng job seekers ang Public Employment Service Office (PESO) Dagupan sa kanilang isinagawang job fair kamakailan sa syudad ng Dagupan.
Ayon kay Joy Siapno, ang trabahong kadalasan umanong kabilang sa naturang job fair ay ang Customer Service Representatives at Factory Workers naman para sa trabahong ibayong dagat.
Hindi aniya sila basta bastang pumipili lamang ng mga hiring participants kundi idinadaan talaga nila ang mga ito sa masusing pagrereview kung saan dumadaan ang mga ito sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Migrant Workers at hinihingian nila ang mga ito ng latest na business permit upang maproteksyunan na rin ang mga job seekers.
Nagaganap ang mga job fair sa bawat Local Government Unit (LGU) upang mailapit aniya ang mga employers sa mga aplikante upang makabawas na rin sa gastos sa pamasahe maging sa oras ng mga ito dahil nais ng PESO na maging convenient ang job fair para sa mga aplikante.
Pagbabahagi pa ni Siapno na mayroong mga on the spot hired at mayroon ding mga nearly hired na hindi lamang mga taga Dagupan kundi kasama na rin ang mga nasa karatig na bayan.