Dagupan City – Pormal nang pinasinayaan ang mga bagong modernized Public Utility Jeepney (PUJ) na maghaahtid ng serbisyo sa Alaminos Bani Agno Bolinao Transport Service Cooperative (ABAABOD TSC).
Ang ABAABOD TSC ang unang kooperatiba sa Western Pangasinan na nakatanggap ng mga modernisadong PUJ, na magbibigay ng mas maluwag, eco-friendly, at komportableng transportasyon para sa mga driver at mananakay.
Personal naman na dumalo sa programa ang mga opisyal ng Pamahalang Lokal ng lungsod ng Alaminos kung saan isinagawa ang pagpapasinaya at paglunsad, habang naroon din sina Regional Director ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board Regional Office 1 Atty. Anabel A. Marzan-Nullar, Acting Chief Transportation Development Officer LTFRB (RO1) at iba pang mga personalidad.
Samantala, sa pamaamgitan naman ni City Councilor, Committee on Cooperatives Atty. Walter M. Macaiba ay hinatid nito ang mensahe mula sa alklade ng lungsod at sa taos-pusong nagpasalamat sa mga nagtaguyod ng proyektong para makatulong sa publiko. (Aira Chicano)