DAGUPAN CITY– Matapos ang ilang linggong walang naitatalang bagong kaso ng covid 19 sa lungsod ng Dagupan, limang bagong kaso ang naitala ng City Health office sa loob lamang ng dalawang dalawang araw.

Kabilang sa mga bagong nagpositibo sa sakit ang isang market vendor, pintor, dalawang senior citizen na parehong may sakit na diabetes at hypertension at isang Indian national na nakatira sa lungsod.

Nagsagawa na ng contact tracing ang City Health Office upang matukoy ang mga nakasalamuha ng mga pasyente.

--Ads--

Samantala, nagpatupad ng lockdown sa barangay Longos sa bayan ng San Fabian matapos makapagtala ng PUM at PUI sa lugar.

Sumatotal, nasa 347 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng covid-19 sa Pangasinan kasama ang lungsod ng Dagupan.