Maging ang virtual online events sa paggunita ng Bangus Festival ay mariing tinutulan ni Dagupan City Marc Brian Lim dahil pa rin sa nagpapatuloy na epekto ng COVID-19 pandemic.
Sa bahagi ng kaniyang pahayag ay bagaman gaya rin umano ng ibang mga lugar sa bansa na nagnanais na maipagdiwang na ang kani-kanilang kapistahan nang maganda at magarbo, ay hindi rin naman umano nais ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City na magaya sa ilang LGU na nagkaroon ng suliranin sa pagdiriwang ng kanilang pista dahil sa COVID-19.
Ikalawang taon na itong hindi isinagawa ang nakasanayang isang buong buwan na pagseselebra ng Bangus Festival bilang pag-iwas na rin sa anumang uri ng mass gatherings.
Matatandaan na kamakailan ay nagpakawala ng nasa 1,000 milkfish fingerlings ang ilang kawani ng pamahalaan sa Dawel River, isa sa pitong mga ilog ng siyudad.
Ang Dagupan City ay kilalang “World’s Bangus Capital”.