Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mahalagang maipagpatuloy ang kasalukuyang mga reporma ng kanyang administrasyon sa pamamagitan ng paghalal ng “like-minded president” sa 2028 upang hindi masayang ang mga benepisyong nasimulan na.

Sa isang forum sa Makati City, sinabi ng Punong Ehekutibo kung hindi maihahalal ang susunod na lider na kapareho ng direksyon ng kasalukuyang administrasyon, posibleng mawala ang mga programang pang-ekonomiya at panlipunan na ngayoy nagsisimula nang magpakita ng positibong epekto.

Paliwanag ng Pangulong Marcos, karaniwan kasi sa politika ang pagpapatigil sa mga proyekto ng nakaraang administrasyon dahil sa pagbatikos ng mga kalaban at ang ganitong sistema ay umaabot maging sa national level.

--Ads--

Binigyang-linaw din ng Pangulo na hindi siya nasa puwesto para sa pansariling interes kundi upang magsulong ng mga structural reforms na magpapalakas sa ekonomiya at gawing mas kaakit-akit ang Pilipinas sa mga investors.

Ipinagmalaki namang ibinahagi ng Pangulo na pinalawak pa ng pamahalaan ang mga

programa sa edukasyon, kalusugan, at social benefits upang maramdaman agad ng publiko ang pakinabang at hindi ito basta maalis ng susunod na administrasyon.

Aminado naman ang Pangulo na mahirap ipaliwanag sa publiko ang mga usaping pang-ekonomiya gaya ng inflation, GDP growth, at debt-to-GDP ratio.