Mga kabombo! Sino ang mag-aakalang isang lumang love letter na nakasulat sa isang larawan ay magiging susi pala sa pagkatunton sa iyung tunay na ama?
Ito kasi ang nangyari sa isang babae sa Amerika. Kung saan ang love letter na ito ay naging susi upang muling mabuo ang isang nawawalang koneksyon sa loob ng halos apat na dekada?
Kinilala ito na si Anna Sharp, 52-anyos, matapos ang 38 taong tanong at pangungulila, ay natagpuan ang kanyang tunay na ama—si Charles Sharp, 79-anyos isang dating sundalo sa Amerika.
Mula sa isang lihim na tinago ng kanyang ina, isang sulat mula sa lalaking pinaniniwalaang “Carlos,” hanggang sa isang birthday gift na 23andMe DNA kit noong 2024, tumakbo ang emosyonal na kwento ng paghahanap ni Anna.
Batay sa ulat, isang second cousin mula California ang nag-ugnay sa kanya kay “Uncle Charles”—na siya palang kanyang ama.
Dahil dito, ang pangungulila sa ama ay napalitan ng pag-uusap nila araw-araw sa darating na April 22, tuluyan na silang magkikita sa unang pagkakataon.