Sinampahan ng kaso sa Ombudsman ni Liga ng mga barangay acting president Edgardo Fontelera ng bayan ng Dasol, Pangasinan sina National Liga President Eden Chua Pineda at dalawang liga ng mga barangay president na sina Richard Palisoc ng bayan ng Mangatarem at Mimi Sison ng bayan ng Aguilar.
Ito ay may kinalaman sa pagsasagawa ng special election kung saan hindi man lang isinama ang mga board of directors sa nasabing barangay affairs.
Giit ni Fontelera na may board resolution na patunay na nagtratrabaho ang liga ng mga barangay Pangasinan.
Mayroon aniya silang agenda at ginagawa nila ang tungkulin bilang elected official kung kayat walang vacancy sa liga bagay na ipinagkibit balikat lang ng nasabing mga opisyal.
Binigyang diin pa ni Fontelera na nawalan ng saysay ang kanilang ginagawa dahil sa isinagawang special meeting at special election na wala silang nalalaman.
Nagulat ang membro ng board dahil binalewala sila ng mga board of directors at siya bilang acting liga president sa lalawigan.
Malinaw aniya na iya pa rin ang acting liga president dahil siya ang inappoint ni dating liga president Jose peralta Jr. pero hindi naisagawa ang oath taking dahil sa pandemya.
Samantala, kinumpirma ni Fontelera na siya ay nanumpa sa harap mismo ni DILG Undersecretary Sec. Martin Dino.
Kanyang sinalaysay na bago siya lumapit kay sec. Dino ay sumulat siya sa tanggapan ni national liga president Pineda.
Nagawa pa niya umanong magtungo sa kanilang tanggapan sa Ortigas pero sarado kaya ang ginawa nito ay nag email siya kay Pineda.
Nalaman na lamang niya na nagsagawa na ng special eletion kaya napilitan na siyang dumulog kay Dino. Bitbit ang board resolution at iba pang dokumento bilang pagpapakita na sila ay sumusunod sa proseso at sa batas.
Dagdag pa n Fontelera na tuloy ang kanilang laban at hindi sila papayag na tapak tapakan lamang.
Una nang pinabulaanan ni Provincial Legal officer Atty. Geraldine Baniqued na may intervention o nakikialam ang Office of the Governor sa mga affairs ng Liga ng mga barangay pangasinan chapter.
Tugon ito ni Baniqued sa aligasyon ni Liga president Edgardo Fontelera na tila nakikialam umano ang Office of the Governor sa samahan ng liga.
Iginiit ni Banqued na ang tanging partisipasyon ng Office of the governor ay tumulong para mabigyan sila ng malaking venue at nang maganda ang kanilang attendance.