Inihayag ng isang legal expert na gawin sa lahat ang kautusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na sumailalim sa lifestyle checks ang lahat ng mga opisyal ng gobyerno.
Ayon kay Atty. Francis Dominick Abril, legal consultant/political analyst, appointive o elective positions man ay dapat sumailalim sa lifestyle check.
Sa katunayan aniya , noon pa man ay pinasusumiti na ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth o SALN ang lahat ng public officers anuman ang rangko, anuman ang uri ng trabaho, inihalal man o hindi.
Pero ang nakakalungkot aniya ay kailangan pang umabot sa punto na ngayong taon lang saka makadeskubre ang bilyong pisong halaga ng mga palpak na proyekto.
Samantala, kapag deposit involved ay foreign account, ay kailangan pa ang court order.
Sa gagawing lifestyle check iminungkahi ng abogado na magandang estratehiya na hatiin sa dalawa ang mag sasagawa ng imbestigasyon na puwedeng hawakan ng mga graft investigator sa Office of the ombudsman at kapag nasa salary grade naman ang sangkot ay hahawakan ng fact finding committe,o maaaring magpatulong din sa National Bureau of Investigation.
Giit ni Abril na mabusisi ang fact finding at kailangan ng ibidensya at hindi lang basta bintang o hinala.
Ikinababahala naman nito na sa gagawing lifestyle check na sisimulan sa hanay ng DPWH ay maraming maantalang proyekto at baka maaapektuhan ang kalidad ng serbisyo sa taumbayan.