DAGUPAN CITY–Nakalabas na ng kulungan si Warly Gagar, lider ng Ulopan na Umbaley ed Camp Gregg Military Reservation, na inaresto ng kapulisan sa barangay Bani sa bayan ng Bayambang Pangasinan.

Sinabi ni Bong Natividad, spokesperson ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas Pangasinan chapter, sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan na nakapagbayad ng piyansa ang nasabing lider ng nagkakahalaga ng P40,000 para sa pansamantala nitong kalayaan.

Matatandaan na inaresto si Gagar matapos umanong nagpositibo ang isinilbing search warrant laban dito kung saan nakuha sa pangangalaga nito ang kalibre 22 na baril na may laman pang walong bala.

--Ads--

Isinagawa ang pagsasaliksik at profilling sa nabanggit na suspek dahil sa mga natanggap nilang balita na ginagamit nito ang baril sa pananakot sa kanilang lugar.