DAUGPAN CITY– Nasawi matapos manlaban sa mga otoridad ang lider ng isang drug group sa Maynila dito sa lungsod ng Dagupan.

Kinilala ang suspek na si Dante Alviar, lider ng Balong Drug Group na matagal nang tinutugis sa Maynila at Top 3 most wanted ng Manila Police District.

Maghahain lamang sana ng warrant of arrest ang CIDG Dagupan sa suspek sa tinutuluyan nitong tahanan sa Brgy Bonuan Boquig nang magpaputok ito ng baril sakanila kaya’t napilitan nila itong gantihan ng putok.

--Ads--

Napag-alaman na sangkot din ang suspek sa pagpatay sa ilang opisyal na iniimbestigahan kung miyembro din sa gun for hire group.

Nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang malaman ang kinaroroonan ng iba pa nitong mga kasamahan.