DAGUPAN CITY- 55 sa 662 mga paaralan pa sa Pangasinan 1 ang hindi pa nagbukas ngayon unang araw ng pasukan dulot ng pagbaha kabilang na dito ang Libsong Elementary School sa bayan ng Lingayen.

Ayon kay Dr. Divino Fernandez, ang Co-Focal Person ng DRRMC at Libsong Elementary School, sinuspinde pa nila ang unang araw ng pasukan dahil sa nararanasang pagbaha sa kanilang paaralan.

Catch basin kase ang kanilang lugar kaya madalas din aniyang binabaha ang kanilang paaralan.

--Ads--

Kaugnay nito, umabot sa ankle deep ang taas ng tubig baha sa kanilang mababang paaralan.

Samantala, nagkaisa ang mga estudyante at mga 4Ps Beneficiaries upang linisin at matanggal ang amoy na nadulot ng pagbaha.

At sa kanilang paglilibot, nakitaan nila ng ahas ang isang silid aralan. Agad naman nila itong napaslang upang maiwasan ang anumang insidente. Naniniwalan naman sila na nabulabog ito dahil sa baha.

Gayunpaman, pagnatapos na ang kanilang paglilinis, inaasahan nila na aabot sa higit 700 na mga mag-aaral ang papasok sa kanilang pagbubukas ng klase.

Maliban sa nasabing lugar, may isa din paaralan sa Sual ang hindi nagsuspinde dahil sa dengue outbreak na kanilang kinakaharap ngayon.

Binaha din ang paaralan sa Mangatarem na nagdulot din ng kanilang pagsuspinde para sa unang araw ng klase.