Dagupan City – Naghatid ng libreng serbisyong medikal ang Mapandan Super Rural Health Unit sa isinagawang medical mission para sa mga residente ng bayan ng Mapandan.
Isinagawa ang nasabing aktibidad bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng lokal na pamahalaan na itaguyod ang kalusugan at kapakanan ng mga mamamayan, lalo na ng mga nasa malalayong barangay.
Dumagsa ang daan-daang residente mula sa iba’t ibang bahagi ng bayan upang magpatingin at magpagamot.
Kabilang sa mga serbisyong ibinigay ay libreng check-up, konsultasyon, pagbibigay ng gamot, at ilang simpleng laboratory tests.
Mayroon ding dental services at nutrisyon counseling na isinagawa ng mga eksperto mula sa health unit katuwang ang ilang volunteer medical practitioners.
Layunin ng programa na matugunan ang kakulangan sa access sa serbisyong pangkalusugan lalo na ng mga walang kakayahang makapunta sa mga pribadong klinika o ospital.
Inaasahan ding masusundan pa ang ganitong mga aktibidad sa iba pang barangay upang mas marami pang mamamayan ang makinabang.