Sinimulan ng pamahalaang panlalawigan ang Libreng Sakay para sa mga Pangasinense noong Oktubre 31 mula sa syudad ng Baguio patungo sa bayan ng Lingayen at Rosales.

Ang programang ito ay para sa mga taga Pangasinan na nagsiuwian noong araw ng Undas.

At dahil sa malaki ang naging tulong nito lalo na para sa mga nag-aaral at nagtatrabaho sa labas ng lalawigan, kanilang idinagdag ang mga ruta mula sa bayan ng Rosales patungo sa syudad ng Baguio, mula Rosales hanggang Manila, mula Urdaneta City hanngang Baguio City, at mula Urdaneta City hanggang sa Manila.

--Ads--

Pinagpapasalamatan naman ito ng mga naging pasahero ng Libreng sakay dahil sa pamamagitan nito ay nakatipid sila sa gastusin ng kanilang mga pamasahe.

Sinisiguro naman ng pamahalaang panlalawigan na isasagawa pa rin ang programang Libreng Sakay kada taon.