DAGUPAN CITY- Patuloy ang pagtulong at pagsulong ng Commission on Higher Education (CHED) Region 1 sa libreng pag-aaral para sa mga estudyante.
Ayon kay Christine Nabor-Ferrer, Regional Director ng CHED Region 1, sa pamamagitan ng kanilang Unifast scholarship ay wala nang babayaran na tuition fee ang mga mag-aaral na kabilang sa state colleges o unibersidad.
Maliban diyan, maaari din mag-avail ang mga mag-aaral ng tulong dunong program, tertiary education, at iba pa. Basta lamang ay kwalipikado sila sa mga requirements upang mapabilang sa scholarship.
Samantala, tinututukan din ng Higher Education ang pagtulong sa mga higher instituion education.
Kaya masaya nilang ibinahagi na nakapagtala ang region 1 ng 16 na higher education na nakabilang sa World University Ranking.
Mayroon namang 8 unibersidad sa lalawigan ng Pangasinan na kabilang sa World Universities ranking.
Aniya, malaking epekto nito sa mga paaralan upang mas makilala pa at sa pagsisiguro sa kalidad ng mga programa ng CHED region 1.