Dagupan City – Patuloy na inilalapit ng Provincial Health Office ang serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad sa pamamagitan ng isinagawang medical mission sa Barangay Cabeldatan bilang ikatlong araw ng programa.

Nakatanggap ang mga residente ng libreng check-up at konsultasyon upang masubaybayan ang kanilang kalagayan sa kalusugan at mabigyan ng kaukulang payong medikal.

Nakiisa sa aktibidad ang mga opisyal ng Barangay Cabeldatan sa pangunguna ni Punong Barangay Buddy De Vera, katuwang ang Municipal Health Office sa pamumuno ni Dr. Riccini Elinzano at ang mga doktor mula sa Bayambang District Hospital upang matiyak ang maayos na pagbibigay ng serbisyong medikal sa mga residente.

--Ads--

Ayon sa lokal na pamahalaan, magpapatuloy ang pagmomonitor sa pagsasagawa ng mga medical mission sa iba pang barangay upang mas marami pang mamamayan ang makinabang sa mga libreng serbisyong pangkalusugan na hatid ng Provincial Health Office.