Dagupan City – Patuloy ang isinasagawa ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan ang kanilang libreng flu vaccination program.
Ang programa ay isinagawa sa pamamagitan ng Municipal Health Office (MHO) at sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH).
Ang bakunahan ay naganap sa Grand Market Pavilion II at nakapagbigay ng proteksyon laban sa trangkaso sa 114 na mga residente ng Mangaldan.
Ayon sa MHO, 35 sa mga nabakunahan ay mga senior citizen, habang 79 naman ang mga non-senior. Layunin ng programa na matulungan ang mga residente ng Mangaldan na protektahan ang kanilang kalusugan laban sa mga sakit tulad ng trangkaso, lalo na ngayong panahon ng taglamig.
Patuloy na nagsasagawa ang lokal na pamahalaan ng mga programang tulad nito upang mapanatili ang kalusugan ng mga mamamayan.
Ipinahayag ng pamunuan ng Mangaldan na mahalaga ang pagkakaroon ng bakuna upang maiwasan ang pagkalat ng flu at maprotektahan ang mga mamamayan, lalo na ang mga vulnerable na sektor tulad ng senior citizens.