Dagupan City – Naghandog ang Rural Health Unit ng lokal na pamahalaan ng Manaoag sa kanilang mga residente ng libreng Family Planning Services bilang bahagi ng kampanya para sa responsableng pagpapamilya.

Katuwang nila dito ang Service Outreach Distribution Extension Program (SODEX) at DKT Philippines Foundation Inc.

Nagbigay ang nasabing aktibidad ng libreng bilateral tubal ligation at vasectomy sa mga residente na nagnanais ng permanenteng family planning method.

--Ads--

Layunin nitong gabayan ang mga pamilya sa pagpaplano ng kanilang kinabukasan, lalo na sa harap ng limitadong pinagkukunang-yaman.

Patuloy naman ang naging suporta ng lokal na pamahalaan sa mga programang pangkalusugan at pangkabuhayan para sa kapakanan ng bawat Manaoagueño.

Ipinahayag naman ng alkalde sa bayan ang kanyang pagmamalaki sa tagumpay ng programa at nanawagan sa mga mamamayan na samantalahin ang mga serbisyong ito para sa isang mas maayos at planadong buhay pamilya.

Ang libreng serbisyo ay naglalayong mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga pamilya sa bayan ng Manaoag.