Dagupan City – Hangad ng adminstrasyong Caramat ang pagpapatayo ng kauna unahang dialysis center upang mabigyan ng libreng pagpapagamot ang mga residente sa bayan ng Calasiao, Pangasinan.
Ayon kay Mayor Patrick Agustin Caramat, ang pagkakaroon ng pasilidad para sa libreng pagpapa-dialysis na Calasiaoeño. Ginawa ang pahayag sa isinagawang inaugural at oathtaking ceremony sa Calasiao Sports Center.
Maliban sa ipapatayong Dialysis Center, prayoridad din ng kanyang administrasyon pagsasa ayos ng plaza, ang problema sa trapik, basura, public order, edukasyon, livelihood, turismo, social services at digitalization ng Local na Pamahalaan.
Aniya, nais ni Caramat na ang bayan ng Calasiao ang maging ‘digital heart’ ng Pangasinan. Ipinunto pa ni Caramat, ang progreso ng Calasiao ay dapat mabenipisyuhan ang lahat.
Samantala, ipinagmalaki naman ni Outgoing Mayor at ngayon ay Vice Mayor Kevin Roy Macanlalay ang nagawa nitong mga proyekto at program sa kanyang termino bilang alkalde.
Aniya, may mahigit itong P1 billion itong nalikom na pondo mula sa national offices sa kanyang administrasyon kung saan napapakinabangan na ito ng mga publiko.
Ilan lamang sa mga proyekto nito ang slope protection project, farm to market road, mga road openings, multi purpose buildings, solar water irrigation at iba pa.
Dagdag pa ni Macanlalay, suportado nila ang administrasyon ni Mayor Caramat para sa ikakaunlad ng bayan.
Binigyang diin naman nito na hindi naman magiging rubber stamp ang Sangguniang Bayan kahit mula sila sa iisang party na noong nakaraang May 2025 election ay nakuha nila ang 10-0 na resulta.
Patuloy ang kanilang gagawing trabaho at mandato bilang halal ng bayan at kinakailangan lamang ng pakikinig ng opinion ng bawa’t isa.