Isinagawa sa Mangaldan Primary Care Facility ang libreng breast at cervical cancer screening, katuwang ng Department of Health Ilocos Region at Municipal Health Office sa bayan.
Mula alas-otso ng umaga hanggang alas-tres ng hapon, dinaluhan ito ng mga residente upang magpasuri at kumonsulta.
Layunin ng programa na mapalawak ang access ng kababaihan sa maagang pagtuklas ng kanser.
Kabilang sa isinagawang pagsusuri ang Visual Inspection of the Cervix with Acetic Acid o VIA test para sa cervical cancer screening at breast examination para sa maagang pag-detect ng sakit.
Kasabay nito, nagbigay rin ng libreng check-up at konsultasyon ang Rural Health Unit upang matugunan ang iba pang pangangailangang medikal ng mga mamamayan.
Sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad, patuloy ang pagtataguyod ng lokal na pamahalaan ang pagpapaigting ng serbisyong pangkalusugan para sa mas maagang pag-iingat laban sa mga sakit.










