Naglunsad ng Ayos Kalusugan Caravan ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng San Carlos, dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Inumpisahan ang caravan na ito sa pamamagitan ng paghahandog ng bakuna o pangkalusugan para sa mga alagang hayop sa syudad.

Isa rin ang Animal Health Service sa mga kabilang sa serbisyong maaaring mapakinabangan dito.

--Ads--

Sa nasabing aktibidad ay madaming dumalong mga fur-parents upang tumanggap ng serbisyo para sa kanilang mga alagang aso at pusa.

Ang pagbabakuna ay isang mahalagang bahagi ng pangangalaga sa mga alagang hayop upang tiyakin ang kanilang kalusugan at kaligtasan, pati na rin ang proteksyon sa kapaligiran at ibang hayop.

Sa mga susunod pang araw naman ay may ilang pang mga serbisyo kagaya ng libreng check-up, laboratory, x-ray, dental services, libreng gamot, bitamina o pang maintenance, at dadalo rin ang mga espesyalista para sa mata at thyroid.