Dagupan City – Umaabot sa mahigit 7,000 unclaimed replacement plates pa rin ang nakaimbak sa LTO Dagupan City District Office ngayong taon.
Ayon kay Romel Dawaton ang hepe ng tanggapan na marami parin sa mga kliyente ng kanilang opisina ang hindi pa nakakakuha ng kanilang plaka.
Bagamat may 59.47% na pagbaba na mula sa dating 12,673 plates kaya nagpapatuloy pa rin ang mga ginagawa ng LTO upang mabawasan ang mga bilang na ito.
Isa sa mga hakbang na ginagawa ay ang Oplan “Plaka Mo, Deliver Ko,” kung saan direkta nang dinadala sa bahay ng kliyente ang kanilang mga plaka.
Ngunit, ang pangunahing hamon na kanilang kinakaharap ngayon ay ang paghahanap sa mga kliyente na nakabayad na noong 2015 pa dahil marami na sa kanila ang lumipat ng tirahan o mahirap na mahanap.
Dahil dito, patuloy naman ang pagsisikap ng LTO Dagupan City upang makamit ang target na zero backlog ng unclaimed plates.