DAGUPAN CITY- Dumagsa kanina ang libo-libong mga turista mula sa iba’t ibang lugar sa Tondaligan Blue Beach Park upang bumista at maenjoy ang unang araw ng 2025 kasama ang pamilya.

Ayon kay Amy Pilarca, Beach goer mula sa Tarlac, pagkatapos nikang magsimba sa Manaoag Church ay dumeretso sila magpapamilya sa nasabing beach.

Aniya na nakakarelax ang pakiramdam sa kanilang pagpunta dahil walang ganitong makikita sa kanilang bayan lalo na ang dagat at dito nila piniling pumunta dahil nakakatiyak silang mae-enjoy sila.

--Ads--

Samantala, kasabay ng pagdami ng mga turista ay siya namang pagtutok ng mga life para sa mas tiyak na kaligtasan at kapakanan ng mga dumadayo.

Pinangunahan iyto ni Ella Oribello, ang Team Leader.

Aniya, 27/4 ang kanilang grupo kung san inaasahan na madodoble pa ang volume ng mga tao at maaring umabot sa higit 5-libo.

Sa Kasalukuyan katuwang aniya nila para sa pagpapakalat ng mga tao ngayon ang Philippine Coast Guard, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection at iba pa.

Dagdag nito na may 2 naitala na sila kaninang umaga ng near drowning incident sa lugar .

Nasa 5 na din aniya ang kanilang naitala sa na may nawawala simula kaninang umaga kung saan halos 5 taong gulang pababa.

Nagpaalala naman ito sa publiko lalo na sa mga dadayo sa tondaligan na isaalang-alang ang kaligtasan ng bawat miyembro ng pamilya upang hindi mapahamak.

Bukod dito, punuan na din ang mga shed at ilang parking area dahil nagsisidatingan pa ang mga tao kaya naglabas na ang ilang shed owners ng papag at upuan na maari parin marentahan ng mga tao.

Ayon kay Resty Tamayo, Officer-in-charge ng Tondaligan Shed Owner Association, na bumabawi ownerna ngayon ang ilang shed owners dahil magsisimula nanaman silang magtax ngayong taon upang makapagpatuloy sila sa pagpaparenta ng mga shed.

Umaabot kasi aniya ang nagagastos ng mga ito sa pagsecure ng kanilang permit at tax sa 7,200 kaya kailangan nilang bumawi.