Umabot sa mahigit isang libong residente ng Asingan ang nakinabang sa libreng medical, dental, wellness, at bloodletting mission na ginanap kasabay ng pagdiriwang ng taunang Kankanen Festival.
Ito ay sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Asingan at ng Provincial Health Office.
Ang pagtugon sa pangangailangang pangkalusugan ng mga mamamayan ay isa sa mga pangunahing prayoridad kung saan hindi lamang ang Kankanen Festival ay isang pagdiriwang kundi isang pagkakataon din upang maabot at mapaglingkuran ang ating mga kababayan.
Samantala, nag-alok ang libreng medical mission ng iba’t ibang serbisyo, kabilang ang konsultasyon sa doktor, pagsusuri ng presyon ng dugo, pagpapayo sa kalusugan, at pagkuha ng dugo.
Nagbigay din ng libreng pangangalaga sa ngipin ang mga dentista na nagsilbi sa nasabing okasyon.
Malaki ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa lokal na pamahalaan at sa Provincial Health Office para sa kanilang pagkalinga.
Ang matagumpay na pagsasagawa ng medical mission ay nagpapakita ng dedikasyon ng lokal na pamahalaan ng Asingan sa pagpapabuti ng kalusugan at kapakanan ng kanilang mga mamamayan.
Inaasahan na ang ganitong uri ng programa ay magpapatuloy pa sa mga susunod na taon.