BOMBO DAGUPAN- Tuwing tag-init ay dinadagsa ng mga tao ang karagatan. Marami ang nagpaplano at nag-o-outing sa mga beaches upang magrelax. Sino ba naman ang hindi makakapagrelax kapag kaharap mo na ang karagatan at pinapakinggan ang paghampas ng alon sa pampang.
Pero, makakarelax ka pa ba kung kasabay ng pagdagsa ng mga tao ay ang pagdagsa din ng mga insekto?
Nabulabog kase ang mga dumako sa Rhode Island state beach nang dumagsa din ang napakaraming tutubi.
Bigla na lamang umanong dumating libo-libong tutubi sa Misquamicut Beach.
Sinabi ng mga beachgoers na dumating ang mga tutubi sa mga alon kung saan ang largest swarm ay naglandfall bandang alas 1 ng hapon.
Nabanggit din ng isang beachgoer na nakita na nila ang pagdating ng mga tutubi bandang alas 11 ng umaga, oras ng kanilang pagdating din sa beach.
Ayon sa mga eksperto, normal lamang sa mga insekto ang mag-migrate tuwing kalagitnaan ng Agosto at kalagitnaan ng Setyembre, ngunit kilala din ang mga tutubi na sama-samang lumalakbay tuwing nanunuyot na ang tinitirhan ng mga ito.
Anila, kayang kaya ng mga ito ang maglakbay sa mga malalayong lugar.