Magdedeploy ng nasa 25, 000 mga sundalo sa dalawang probinsiya sa South Africa matapos mahirapan ang kanilang security forces dahil sa ilang araw na nangyayaring karahasan sa kanilang bansa.
Kasama na rin sa nararanasaan doon ngayon ang looting at arson.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bombo International Correspondent Kennedy Letikirish ng South Africa marami ng mga stablisyemento sa ilang lugar doon ang nagsara.
May ilang mga kalsada din ang hindi madaanan.
Nabatid na ang mga nangyayaring kaguluhan doon ay may kaugnayan pa rin sa pag-aresto kay dating President Jacob Zuma.
Nakapagtala na ng mahigit sa 70 katao ang nasawi habang nasa 800 naman ang sugatan sa nangyaring karahasan.
Nauna nang kinumpirma ng South African police na nakilala na nila ang 12 suspek na silang nagsimula sa riot habang nasa 1,234 naman ang naaresto.