DAGUPAN CITY- Nakiisa at nakilahok ang libo-libong delegado mula sa iba’t ibang panig ng bansa sa pinakamalaking Filipino Sign Language (FSL) Convention na isinagawa ngayon taon dito sa lungsod ng Dagupan.
Ayon kay Carlo Salegumba, Minister of Jehovah’s Witnesses, tatlong araw na ginanap ang pagtitipon mula Hulyo 18 hanggang 20, na layong isulong ang mas inklusibong pagdiriwang para sa komunidad ng mga may kapansanan sa pandinig.
Itinampok sa naturang convention ang organisadong paraan ng pagtitipon ng mga Saksi ni Jehova para sa mga may kapansanan sa paningin at pagdinig, kabilang na ang mga espesyal na serbisyo gaya ng tactile translation para sa mga kalahok.
Layon ng pagtitipon na ipakita ang kahalagahan ng accessible na mga programa para sa lahat ng miyembro ng lipunan, kasabay ng selebrasyon ng National Disability Rights Week.
Sa bawat araw ng convention na tumagal mula alas-nwebe y medya ng umaga hanggang alas-kuwatro y medya ng hapon, masusing tinalakay ang iba’t ibang paksang makatutulong sa espirituwal at personal na pag-unlad ng mga kalahok mula sa kanilang komunidad
Sa kabila ng mga hamon sa komunikasyon, ipinakita ng convention ang kanilang kakayahan ng pagkakaisa at malasakit para sa mga taong may kapansanan na bigyan kahalagahan ang komunikasyon sakanilang komunidad.
Home Local News Libo-libong mga delagado, Dumalo sa isinagawang malakihang Filipino Sign Language Convention sa...