Libo-libong mga flights sa Amerika ang nakansela dahil sa pagsiklab ng Covid-19 variant na Omicron
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bombo International News Correspondent Atty. Arnedo Valera, ang mga pagkansela ng flight sa US ay tumama sa bagong surge ng covid at dahil na rin sa masamang panahon.
Halos 4,400 flight sa buong mundo ang nakansela noong Sabado, higit sa 2,500 sa mga ito sa US, ayon sa ilang mga airlines.
--Ads--
Dagdag nito nahihirapan din ang mga airline sa mga problema sa staffing sa pag-quarantine ng crew matapos magkasakit ng Covid.
Aniya naging dagdag pahirap pa sa mga biyahero ang pagtama ng makapal na snow sa gitnang bahagi ng Amerika.
Mula noong Disyembre 24, mahigit 12,000 flights na ang nakansela sa US.