DAGUPAN CITY- Mga Kabombo! Hindi na bao sa atin ang kwentong katatakutan tungkol sa mga paaralan na sinasabing dating sementeryo.

Ngunit, paano paano kung mangyari ito sa totoong buhay?

Natuklasan kasi ng mga eksperto sa Gdańsk, Poland ang isang libingan ng isang elite na knight mula pa noong ika-13 o ika-14 na siglo, na nasa maayos pang kondisyon.

--Ads--

Ang libingan ay nasa ilalim ng dating ice cream parlor na Lodziarnia Miś sa sentro ng lungsod.

Ayon sa pagsusuri, ang lugar na ito ay dating isang sementeryo noong ika-13 siglo, na malapit sa pinakalumang simbahan sa Gdańsk, na kilala sa tawag na Śródmieście.

Batay sa dendrochronological dating, itinayo ang simbahan gamit ang oak wood na pinuputol pa noong 1140, kaya’t kinikilala ito bilang pinakalumang kahoy na simbahan na natuklasan sa Poland.

Ang nitso ng knight ay gawa sa limestone na iniangkat mula sa Swedish island ng Gotland.

Ito ay bahagi ng isang medieval stronghold at itinuturing na isang mahalagang lugar ng kapangyarihan, pananampalataya, at libingan noong panahon ng medieval Gdańsk.

Ang natuklasang libingan ay nagbibigay liwanag sa kasaysayan at kultura ng lungsod, at nagpapakita ng kahalagahan ng lugar bilang sentro ng buhay panrelihiyon at pampulitika sa mga nakaraang siglo.