Dagupan City – Nanatiling top producer ng kalabasa ang lokal na pamahalaan ng Umingan sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ang siniguro ni Umingan Vice Mayor Chris Evert Tadeo Leynes. Aniya, sa kabila ng maraming produksyon, natutuwa din ito dahil pinaglalaanan ang mga kalabasa farmers ng mga aktibidad at programa na tiyak na hindi sila malulugi.

Gaya na lamang ng itinatag na tradepost sa Rosales, kung saan katuwang ng LGU Umingan ang Abono partylist.

--Ads--

Ayon sa bise alkalde, gagawing bagsakan ng kalabasa ang bayan ngunit makasisiguro na hindi ito sa paluging presyo kundi, sa competitve price din.

Samantala, bukod sa karaniwang luto sa kalabasa, ginagawa na rin itong pancit, cassava, at iba pa na siyang ipinipresenta naman ng kanilang bayan tuwing fiesta.

Umaasa naman si Leynes na madaragdagan pa ang maproproduce na lutong pagkain gamit ang kalabasa.