Dagupan City – Nagkaloob ng tulong pinansyal ang City Government of Makati sa Municipality of Sta. Barbara, Pangasinan na nagkakahalaga ng P250,000 bilang ayuda sa mga residenteng naapektuhan ng Tropical Cyclone Uwan.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Sta. Barbara, ang pondo ay nakalaan upang makatulong sa mga pamilyang sinalanta ng bagyo at suportahan ang kanilang agarang pangangailangan.
Isinagawa ang pormal na turnover alinsunod sa mga dokumentong kalakip ng disbursement voucher at sa umiiral na mga panuntunan hinggil sa wastong paggamit at pag-uulat ng pondo.
Tiniyak ng pamahalaang bayan na ang naturang halaga ay ilalaan nang maayos, malinaw, at naaayon sa mga regulasyon upang masiguro na direktang mapapakinabangan ito ng mga benepisyaryo.
Binigyang-diin ng LGU Sta. Barbara na ito ay makakatulong sa lokal na pamahalaan sa panahon ng kalamidad.
Patuloy naman ang koordinasyon at maingat na pamamahala upang matiyak na ang pondong ipinagkatiwala ay maipamamahagi nang wasto at makatutugon sa pangangailangan ng mga apektadong residente.










