BOMBO DAGUPAN – Ikinadismaya ng Local na Pamahalaan ng San Nicolas ang pagharang sa proyektong farm to market road ng katabing LGU Nueva Vizcaya sa Brgy. Malico, na parte ng lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Dr. Alicia Primicias-Enriquez, ang alkalde ng bayan ng San Nicolas, naaalarma na ito sa pagharang o pagpigil sa implementasyon ng mga proyekto na pakikinabangan ng mga indigenius people na siyang naiipit sa isyu ng boundary dispute.
Aniya may nakuha silang P4 million na pondo mula sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para sa Brgy. Malico.
Ang 1 million ay nagamit na sa pagpapatayo ng solar power pero ang P3 milion ay hindi naipatupad dahil sa pag aaway na ng ilang tribo ng indigenous people sa lugar.
Dagdag pa nito, may plano din idevelop ang lugar ng karatig na probinsiya dahilan para tutulan ang mga proyekto ng LGU San Nicolas at ng probinsiya ng Pangasinan.
Giit pa ng alkalde, hangad niya na magtulungan na lamang at walang restriction o huwag hangarin ang mga proyekto para mas mapaunlad ang naturang lugar.
Matatandaan na hayagang binanggit ni Pangasinan Governor Ramon ‘Monmon’ Guico III na ang Brgy. Malico ay bahagi ng lalawigan at ideneklarang Summer Capital of Pangasinan ng Sangguniang Panlalawigan.