Dagupan City – Nagdaos ng isang makulay na aktibidad ang lokal na pamahalaan ng syudad ng San Carlos bilang bahagi ng kanilang programang pangkalusugan at pangkabuhayan para sa mga senior citizens, Barangay Service Point Officers (BSPO), at Barangay Nutrition Scholars (BNS).
Pinangunahan ito nga alkalde at bise alkalde ng syudad kasama ang buong Sangguniang Panlungsod at City Population Office.
Ang aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Salinas Foods kung saan isa sa mga tampok ng programa ay ang Nigari Waza Exercise, isang uri ng pagsasanay na naglalayong mapabuti ang kalusugan at lakas ng katawan ng mga senior citizens.
Ang mga kalahok ay nagkaroon ng pagkakataong mag-ehersisyo at mapabuti ang kanilang pisikal na kalusugan.
Bukod dito, isang livelihood demonstration ang isinagawa kung saan itinuro ang paggawa ng Pina-upong Manok gamit ang iodized salt.
Ang layunin nito ay hindi lamang magbigay ng karagdagang kaalaman, kundi magbigay din ng oportunidad na makapagsimula ng bagong kabuhayan sa mga kalahok.