Pansamantalang ipinagbabawal sa ngayon ang pagpasok ng manok mula sa Rehiyon Dos sa lalawigan ng Pangasinan.
Ito ay batay sa inilabas na Executive Order No. 0030-2022 ng Provincial Government ng Pangasinan na pirmado ni Governor Amado Pogi Espino III.
Nakasaad sa EO, may napa ulat na kaso ng Avian Influenza sa lalawigan ng Isabela sa rehiyon dos.
Kinumpirma naman ito ng Dept of Agriculture na kung saan may halos 200 manok ang namatay dahil sa Avian flu virus o ang H5N1.
Sa isinagawang research at diagnosis ng Integreted laboratory sa lungsod ng Tuguegarao ay kumpirmadong kaso ng Avian flu sa rehiyon.
Dahil dito, mahigpit na pagbabawalan ang pagpasok ng lahat ng uri ng manok mula sa rehiyon dos sa Pangasinan para maproteksyunan ang poultry industry sa probinsiya gayun na rin ang general public mula sa sakit na dulot ng Avian flu.
Maglalatag naman ng quaratine checkpoints sa lahat ng posibleng pagpasok ng mga manok sa probinsiya sa lahat ng exit point ng TPLEX at iba pang kakalsadahan.
Pinayuhan din ang publiko, mga poultry industry at local na pamahalaan na paigtingin ang pagbabantay, panatilihin ang hygiene at sanitation standards sa mga slaughter house at public market na kanilang nasasakupan.
Matatandaan, noong buwan ng Pebrero, pansamantala rin ipinagbawal ang pagbasok ng mga itik, pato, at pugo sa lalawigan para mapigilan ang pagpasok ng avian influenza o bird flu na naunang nadetect sa Bulacan at Pampanga.